IRR sa New Agrarian Emancipation Act “best birthday gift” ayon kay PBBM
Itinuturing ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “best birthday gift” na kaniyang natanggap ang nabuong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng New Agrarian Emancipation Act.
Sa ilalim ng nasabing batas ay binubura ang pagkakautang sa gobyerno ng mga Agrarian Reform Beneficiaries.
Nagpasalamat ang pangulo sa mga ahensya ng gobyerno na kumilos upang matapos ng mabilis ang IRR para sa batas na nalagdaan noong buwan ng Hunyo.
Kasabay ng pagbuo ng IRR, nilagdaan din ni Pangulong Marcos ang Executive Order na nagbibigay ng dalawang taong palugit sa EO No. 4 na nagpapalawig sa isang taong moratorium sa pagbabayad ng principal at interes sa gobyerno ng Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).
Kahapon kasi, Sept. 13 ay napaso na ang EO No. 4.
Ayon sa pangulo, ang mga ARBs na hindi nakahabol sa cut-off ng condonation ay maaaring makinabang sa pagpapalawig sa moratorium. (DDC)