LTO hihilingin na magkaroon ng special law sa road rage incidents
Naniniwala ang Land Transportation Office (LTO) na kailangan ng special law na malinaw na magbibigay ng depinisyon at magpaparusa sa road rage incidents.
Batay sa direktiba ni Transportation Secretary Jaime Bautista, sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na nagsasagawa na ng pag-aaral ang ahensya hinggil dito.
Sinabi ni Mendoza na sa ngayon ay hindi ganoon kabigat ang parusa sa mga nasasangkot sa road rage incidents maliban na lamang kung magreresulta ito sa pagkasawi ng isang indibidwal.
Sinabi ni Mendoza na ipapanukala nila sa Kongreso na bumuo ng batas na magpapataw ng parusa sa road rage.
Kamakailan, sinabi din ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dapat mayroong special law para maiwasan ang road rage incidents.
Sa nasabing batas ay dapat mabibigyang proteksyon ang mga driver, motorista, at ang riding public. (DDC)