Dr. Anthony Leachon nagbitiw bilang special adviser ng DOH
Nagbitiw bilang special adviser for non-communicable diseases ng Department of Health (DoH) si Dr. Anthony Leachon.
Sa kaniyang liham na naka-address kay Health Secretary Teodoro Herbosa, “personal reasons” ang ibinigay na dahilan ni Leachon sa kaniyang pagbibitiw.
Sinabi ni Leachon na hindi naging madali ang kaniyang pagpapasya at pinag-isipan niya itong mabuti at marami siyang ikinunsidera.
Sa kaniyang post sa Facebook, sinabi ni Leachon na mahirap magtrabaho sa sistema kung ang kaniyang mga ideya ay hindi tanggap at may mga makapangyarihang tao na umaatake sa kaniya.
Sinabi ni Leachon na nagsilbing ‘eye opener’ sa kaniya ang hearing ng Kamara kamakailan sa budget ng DOH.
Sa nasabing pagdinig, sinabi ni Leachon na sinabihan siya na hindi siya “public health expert” ng isang mambabatas.
Naniniwala si Leachon na wala na siyang dapat pang patunayan.
At para maiiwas ang kaniyang lalo na ang kaniyang pamilya sa mga ganitong isyu at problema ay nagpasya syang magbitiw na sa DOH. (DDC)