Fuel Subsidy na P6,500 para sa traditional jeep, pang-aapi sa transport industry ayon sa LTOP

Fuel Subsidy na P6,500 para sa traditional jeep, pang-aapi sa transport industry ayon sa LTOP

Mistulang pang-aapi sa sariling transport industry ng bansa ang fuel subsidy na ibibigay ng pamahalaan para sa mga tradisyunal na jeep.

Sa isang panayam, sinabi ni Lando Marquez, presidente ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP).

Ang mga operator ng tradisyunal na jeep ay makatatanggap ng P6,500 na fuel subsidy habang ang mga operator ng modernized na PUJ ay makatatanggap ng subsidiya na P10,000.

“So parang inaapi pa rin ang sariling transport industry diba”? ayon kay Marquez.

Dagdag pa ni Marquez, sa mahal ng presyo bilihin ngayon, ang P6,500 na ayuda ay maaaring tumagal lamang ng tatlong araw.

Umaasa din si Marquez na sa pormal na paggulong ng pamamahagi ng ayuda ay masiguro na ang mga legal na nagbabayad at nag-renew ng kanilang rehistro at prangkisa ang mapagkakalooban ng tulong-pinansyal.

Sa kabila nito, inihayag ni Marquez ang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay ng ayuda sa mga operator at tsuper na apektado ng oil price hike.

Nagpapasalamat din si Marquez kay Transportation Sec. Jaime Bautista dahil ginawa nito ang lahat upang mas mapabilis ang pagpapalabas ng pondo para sa fuel subsidy. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *