Higit 50,000 PDLs ng BuCor kailangan sa pagsasaka,presyo ng bigas target na mapababa
Muling inialok ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang na gamitin at pagyamanin ang mga lupang taniman ng BuCor at gawing magsasaka ang mga persons deprived of liberties (PDLs) upqng tulungan ang gobyerno na problema sa seguridad sa pagkain.
Sinabi ni Catapang na maliban sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City, ang BuCor ay mayroong anim na prison and penal farms sq bansa na may 80 hanggqng 90 na porsiyento ng kanyang mahigit 47,000 na kabuuang ektaryang lupa na maaaring sakahin at kailangan ang higit 50,000 PDLs para sa pagsasaka.
Ang Iwahig sa Puerto Princesa sa Palawan ngayon ay isang pilot project para sa agro-tourism sites at produksiyon ng pagkain sa ilalim ng joint memorandum agreement ng Department of Justice at Department of Agriculture para sa paggamit ng 501 na ektarya buhat sa 28,326.41 na ektaryang lupa sa naturang proyekto.
Bukod sa Iwanig, ang New Bilibid Prison ay may kabuuang 375.61 na ektaryang lupa kung saan 200 ektarya rito ay bakanteng lote;Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro-8,327 ektarya; San Ramon Prison and Penal Farm, Zamboanga City- 664.74 ektarya; Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte- 8,445.13 ektarya; at Leyte Regional Prison sa munisipqlidad ng Abuyog, Lalawigan ng Leyte- 861.6 ektarya.
“Gumagastos po ang pamahalaan ng P120,000 kada isang PDL sa isang taon pero wala silang ginagawa kaya gawin natin silang relevant. Kung maswertihan nga po natin na mataniman ng palay yung buong Iwahig, baka nga mapababa talaga natin ang presyo ng bigas,” Catapang said.
Sa susunod na buwan aniya maglalagay sila ng Pambansang Bagsakan ng Bigas para sa Mamamayan (PBBM) sa NBP reservations upang magbigay ng direktang produkto galing sa mga magsasaka patungong merkado upang mawala ang mga “middlemen” o tagapamagitan pqqra direktang makuha ng consumers ang benepisyo sa murang presyo ng bigas.
Ang lupa sa NBP ay maaaring magsilbing food terminal at food transportation terminal upang ang mga produktong mula sa hilagang Luzon ay mas madaling maabot ng nga residente sa katimugang Metro Manila at mga karatig probinsiya.
“Gawin nating relevant and PDLs at sustainable, kasi kung magkaka trabaho din sila at makakalikom ng konting income para sa BuCor, balang araw ang BuCor ay hindi na hihingi ng pera sa gobyerno at baka pwede pa mag share kami ng kinikita ng BuCor sa pamahalaan sa darating na panahon,” ani Catapang.
Nitong nakaraang Biyernes nakipagpartner ang BuCor sa DA para ilunsad ang kauna-unahang KADIWA Pop-Up Store sa loob ng NBP upang tulungan ang pamahalaan sa mga hakbangin nitong pagkalooban ang publiko ng mga pagkain sa abot kayang presyo bilang tulong sa pagpapaganda ng kita ng atin mga magsasaka. (Bhelle Gamboa)