Mahigit 500 micro rice retailers nakatanggap na ng cash assistance mula sa pamahalaan
Umabot na sa 502 na rice retailers ang nakatanggap ng cash assistance mula sa Department of Social Welfare of Development (DSWD).
Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, kabuuang P7.5 million na halaga ng tulong-pinansyal ang naipamahagi na sa mga benepisyaryo sa San Juan City, Caloocan City, Quezon City, ParaƱaque City, Navotas City, at Zamboanga del Sur.
Ang mga kwalipikadong micro rice retailers ay nakatanggap ng P15,000 na cash.
Sinabi ni Gatchalian na target ng ahensya na matapos ang pamamahagi ng cash assistance sa Sept. 14, 2023.
Ito ay kasunod na din ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na madaliin ang proseso bago pa man sumapit ang election period kung kailan iiral ang spending ban. (DDC)