Halos 90,000 litro ng smuggled na diesel fuel nakumpiska sa Zamboanga City
Tumulong ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard-District Southwestern Mindanao sa pagharang sa isang barko na may lulang mga smuggled na produktong petrolyo sa Zamboanga City.
Ayon sa PCG, umabot sa 600 drums ng diesel ang nakumpiska sa M/L ZSHAHUNY II sa Varadero Port, Cawit.
Ang operasyon ay sa pakikipagtulungan ng PCG sa Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga City at sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Agad nagsagawa ng paneling at inventory ang mga otoridad sa smuggled fuel products.
Isinailalim naman sa profiling ang mga crew ng lantsa.
Sa datos ng PCG, umabot sa tinatayang 89,600 na litro ng diesel fuel ang nakumpiska. (DDC)