TRB naglabas ng listahan ng mga dagdag na Toll Plazas na isasama sa dry-run ng Contactless Toll Collection
Simula sa Sept. 15, 2023 ay madaragdagan pa ang mga toll plaza na isasama sa nagpapatuloy na dry-run para sa Contactless Toll Collection sa mga expressway.
Ayon sa abiso ng Toll Regulatory Board (TRB), may mga dagdag pang toll plazas na isasama sa sa dry-run.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
NAIA Expressway (NAIAX)
• All NAIAX Toll Plazas
South Metro Manila Skyway Stage 1&2
• Alabang SB Exit
• Skyway Alpha and Bravo
Metro Manila Skyway Stage 3
• Quezon Ave NB Entry
• Buendia SB Exit
• G.Araneta NB Entry
South Luzon Expressway (SLEX)
• Calamba Real NB Entry
• Calamba Real SB Entry
• Canlubang Mayapa SB Entry
• Turbina SB Exit
• Filinvest Exit
STAR Tollway
• Sto. Tomas SB Entry
Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX)
• Rosario Toll Plaza
Cavite-Laguna Expressway (CALAX)
• Laguna Boulevard B Toll Plaza
• Silang East Toll Plaza
Dagdag ang mga ito sa inilabas na unang batch at ikalawang batch ng mga Toll Plaza na kasali sa dry-run.
Ayon sa TRB, ang mga non-participating toll plazas ay patuloy na kokolekta ng bayad sa pamamagitan ng ETC (RFID) lanes at cash lanes.
Sa mga participating toll plazas naman, ang mga motorista na walang RFID stickers ay aasistihan patungo sa ligtas na lokasyon kung saan makapagbabayad sila ng cash.
Hihimukin din silang magpakabit na ng RFID sticker. (DDC)