Suhestyon ni Finance Sec. Benjamin Diokno na ibaba ang taripa sa pag-aangkat ng bigas, “wrong timing” ayon sa grupo ng mga magsasaka

Suhestyon ni Finance Sec. Benjamin Diokno na ibaba ang taripa sa pag-aangkat ng bigas, “wrong timing” ayon sa grupo ng mga magsasaka

“Wrong timing” ang suhestyon ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na ibaba ang taripa sa pag-aangkat ng bigas para mapababa ang presyo nito sa merkado.

Sa isang panayam sinabi ni Raul Montemayor, National Manager ng Federation of Free Farmers, ang nasabing suhestyon ni Diokno ay dagok na naman sa mga lokal na magsasaka.

Sinabi ni Montemayor na hindi napapanahon ang nasabing panukala ni Diokno lalo at papalapit na ang panahon ng anihan ng palay sa bansa.

“Bumagsak na nga ang presyo ng palay dahil sa price ceiling gagatungan pa niya ng tariff reduction,” ayon kay Montemayor.

Umaasa ang grupo ng mga magsasaka na magkakaroon ng balanseng tugon ang gobyerno sa suliranin sa suplay at presyo ng bigas sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *