Mga Aeta sa Lopez, Quezon nakatanggap ng libreng Serbisyong Pangkalusugan

Mga Aeta sa Lopez, Quezon nakatanggap ng libreng Serbisyong Pangkalusugan

Tumanggap ang mga residenteng Agta/Aeta ng Brgy. Villa Espina, Lopez, Quezon ng mga serbisyong pangkalusugan na nakalaan para sa Indigenous Peoples-Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (IP-GIDA) sa rehiyon.

Ayon sa pabatid ng NCIP Catanauan Community Service Center, culturally-sensitive at komprehensibo ang mga inihatid na serbisyo na kinabibilangan ng medical consultations, tooth extraction, eye vision checkups, at laboratory services tulad ng blood chemistry, ECG, ultrasound, at minor surgery tulad ng pagtutuli.

Kabilang din sa mga ibinigay sa mga katutubo ang non-medical services tulad ng Philhealth, National ID, at birth registrations.

Ang IP residents na walang valid IDs ay tinulungan din ng NCIP sa issuance ng Certificates of Tribal Membership.

Bago ang nasabing health caravan, sumailalim ang mga nakiisang health providers sa isang Cultural Sensitivity Orientation na pinangunahan ni G. Fil Vincent Garcia, Officer-in-Charge at Nurse II ng NCIP Catanauan, upang tulungan silang maunawaan ang perspektibo ng mga katutubo at upang gawing mas angkop at IP-friendly ang mga inihatid na serbisyong pangkalusugan.

Ang nasabing programa ay last leg sa serye ng medical missions ng Regional Inter-Agency Committee for the Health of the Indigenous Peoples ngayong taon. (JR Narit)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *