DTI naglabas ng hotline para sa mga rice retailer na nais makatanggap ng subsidiya mula sa gobyerno

DTI naglabas ng hotline para sa mga rice retailer na nais makatanggap ng subsidiya mula sa gobyerno

Naglabas ng hotline ang Department of Trade and Industry (DTI) na maaaring tawagan ng mga maliliit na rice retailer o sari-sari store owner na apektado ng ipinatupad na price cap sa bigas.

Sa abiso ng DTI, ang mga mayroong katanungan, hinaing, o mga nais mapasama sa listahan ng mga tatanggap ng subsidy, puwede silang tumawag sa hotline na 1-384.

Maaari ding makipag-ugnayan sa Negosyo Center ng DTI.

Ang subsidiya ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng pamahalaan.

Inumpisahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng cash assistance sa mga kwalipikadong rice micro retailer na apektado ng price cap sa bigas. (DDC)

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *