PBBM pinangunahan ang paggunita sa Kaarawan ng kaniyang yumaong ama sa Ilocos Norte

PBBM pinangunahan ang paggunita sa Kaarawan ng kaniyang yumaong ama sa Ilocos Norte

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang aktibidad sa paggunita ng ika-106 na birth anniversary ng kaniyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa Batac, Ilocos Norte.

Sa isinagawang wreath laying at commemoration activities inilarawan ng pangulo ang kaniyang ama bilang “Filipino and Ilocano icon”.

Ayon sa pangulo, ang kaniyang ama ay patuloy na maaalala bunsod ng pagpapairal ng peace and order.

“It is my earnest hope that my late father’s values, ideals, and visions for the country will spur you into aspiring for greater roles and more meaningful endeavors—much like how these have inspired me,” ayon kay Pangulong Marcos.

Umapela ang pangulo sa sambayanan na gumawa ng mga hakbang kahit sa maliit na pamamaraan upang suportahan ang gobyerno.

Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos sampu ng kaniyang buong pamilya, ang lahat ng nakiisa sa aktibidad ng pag-alala sa yumaong dating pangulo.

Una ng nagpalabas ng proklamasyon ang Malakanyang na nagdedeklara sa September 11 bilang special non-working day sa Ilocos Norte para sa birth anniversary ng dating pangulong Ferdinand Edralin Marcos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *