Wala pang Pinoy sa Morocco na humihiling ng repatriation ayon sa DFA

Wala pang Pinoy sa Morocco na humihiling ng repatriation ayon sa DFA

Matapos ang malakas na pagyanig na tumama sa Morocco, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang Pinoy doon na humihiling ng tulong upang makauwi ng Pilipinas.

Sa public briefing, sinabi ni DFA Asst. Sec. Paul Cortez, nakahanda naman ang pamahalaan na tulungan ang mga Pinoy na nais magpa-repatriate.

Sinabi rin ni Cortez na walang Pinoy na nasaktan sa tumamang magnitude 6.8 na lindol.

Sa datos ng DFA, mayroong 4,600 na mga Pinoy ang naninirahan sa Morocco.

Gayunman, sa Marrakesh na naging sentro ng lindol, nasa 50 ang bilang ng mga Pinoy. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *