Chinese national arestado sa baril at ‘ilegal na droga’ sa Parañaque

Chinese national arestado sa baril at ‘ilegal na droga’ sa Parañaque

Isang Chinese national ang inaresto matapos madiskubre ang baril at umano’y ilegal na droga sa loob ng kanyang bag sa Pearl Entry, Okada Manila, Entertainment City, Barangay Tambo sa Parañaque City nitong Setyembre 10.

Kinilala ang suspek na si Wan Liang, 40-anyos, isang Chinese national at posibleng maharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), Batas Pambansa 881 (Violation of the Omnibus Election Code), at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Dakong alas-3:00 ng hapon nangyari ang insidente sa isinagawang routine bag screening ng security personnel ng Okada Manila matapos idaan ang backpack ni Liang sa x-ray scanning technology, dito napansin ang mga kahina-hinalang laman ng naturang bag ng dayuhan.

Nadiskubre ng otoridad ang .45 caliber na may pitong bala, isang zip-lock transparent plastic sachet na naglalaman ng umano’y 1.77 gramo ng shabu, dalawang pink tablets na hinihinalang ecstacy, assorted IDs at ₱710 cash.

Dinala ang Chinese sa Tambo Substation habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa suspek. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *