DSWD inumpisahan na ang pamamahagi ng cash assistance sa mga rice retailers sa NCR na apektado ng EO 39

DSWD inumpisahan na ang pamamahagi ng cash assistance sa mga rice retailers sa NCR na apektado ng EO 39

Ilang kwalipikadong micro rice retailers na ang sa Quezon City, Caloocan City at San Juan City ang tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga maliliit na rice retailers ay naapektuhan ng rice price ceilings na ipinatupad ng Malakanyang batay sa ipinalabas na Executive Order No. 39.

Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay tumanggap ng cash assistance sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.

Isinagawa ang pamamahagi ng payout sa Commonwealth Market sa Quezon City, Maypajo Market sa Caloocan City at sa Agora Market sa San Juan City.

Tumanggap ang mga benepisyaryo ng P15,000 na cash aid para makatulong sa kanila bunsod ng naging epekto ng price cap sa bigas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *