LPA, Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

LPA, Habagat magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng extreme Northern Luzon.

Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 875 kilometers East Northeast ng extreme Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, ang buntot ng LPA ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Batanes at Babuyan Islands.

Dahil naman sa Habagat, makararanas din ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Zamboanga Peninsula.

Habang sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa, magkakaroon lamang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *