Pilipinas, Australia lumagda sa Joint Declaration on Strategic Partnership

Pilipinas, Australia lumagda sa Joint Declaration on Strategic Partnership

Matapos ang bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Australian Prime Minister Anthony Albanese, pinirmahan ng dalawang lider ang Joint Declaration on Strategic Partnership na tanda ng pagpapatibay ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

Nagsagawa rin ng Joint Press Statement si Pangulong Marcos at PM Albanese kung saan kanilang inihayag na ang pinirmahang kasunduan ay mas magpapaigting sa relasyon at kooperasyon ng mga bansa sa pagtugon sa mga isyu sa ekonomiya, kapayapaan, at seguridad.

Ayon kay Marcos, matagal na ang kooperasyon ng dalawang bansa at higit na mas matagal ang pagkakaibigan nito.

Sinabi ng pangulo na makatutulong sa growth at prosperity ng dalawang bansa ang nilagdaang kasunduan.

Sinabi naman ni Albanese na ang nilagdaang kasunduan ay mahalagang simbolo ng mas pinatibay na relasyon ng dalawang bansa.

Kabilang aniya sa napagkasunduan ay ang mas maigting na kooperasyon sa usapin ng regional at national security. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *