Heart diseases, cancer, at cerebrovascular diseases tatlong pangunahing dahilan ng pagkasawi sa bansa ayon sa PSA

Heart diseases, cancer, at cerebrovascular diseases tatlong pangunahing dahilan ng pagkasawi sa bansa ayon sa PSA

Ang Ischaemic heart diseases o coronary heart disease ang nangunguna pa ring dahilan ng pagkasawi sa Pilipinas ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa PSA, simula Enero hanggang Disyembre 2022, nakapagtala ng 121,558 na nasawi dahil sa heart disease o 18.3 percent ng total deaths sa bansa.

Pumapangalawa naman ang Neoplasms o cancer na nakapagtala ng 67,669 deaths o 10.2 percent.

Kasunod ang Cerebrovascular diseases na mayroong 67,475 deaths o 10.2 percent din.

Nasa ikaapat sa ranking pangunahing dahilan ng pagkasawi sa bansa ang diabetes kasunod ang hypertensive at pneummonia.

Nasa pang-labingisa naman ang COVID-19.

Maliban sa mga sakit, kasama din sa talaan ng mga pangunahing dahilan ng pagkasawi sa bansa ang “transport accidents” na pang-labingdalawa sa listahan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *