MMDA tumanggap ng donasyong motorsiklo para sa Motorcycle Riding Academy
Tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang donasyon na sampung (10 ) motorsiklo mula kay Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang suporta sa Motorcycle Riding Academy ng MMDA na nakatakdang buksan sa darating na Setyembre 27.
Ang Motorcycle Riding Academy ay magbibigay sa mga rider ng pormal na training o pagsasanay ukol sa theoretical and practical aspects of motorcycle riding at basic emergency response training.
Nilalayon ng Academy na magkaloob sa riders ng basic na kaalaman sa paghawak o pagmamaneho ng motorsiklo, kortesiya at disiplina sa kalsada at pagsunod sa mga alituntunin ng batas trapiko.
Pinirmahan nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes at Sen. Angara ang deed of donation and acceptance sa MMDA Head Office sa Pasig City.
Ito ay sinaksihan naman nina MMDA Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr. at General Manager Procopio Lipana.
Nagpasalamat si Artes sa natanggap na donasyong motorsiklo para sa Academy.
“I would like to extend my earnest gratitude to Sen. Angara for his generous donation to the agency, ” ani Artes sa idinaos na turnover ceremony at signing ng deed of donation and acceptance.
Binigyang importansiya ng MMDA chief ang mga kontribusyon ni Sen. Angara para sa ilang proyekto ng ahensya kabilang ang pagbili ng 50-seater air-conditioned ferry boats para sa karagdagan sa operasyon ng Pasig River Ferry Service; CCTV cameras at garbage traps; at kaukulang pagpopondo para sa pagpapalawak ng Communications and Command Center ng ahensiya.
Tiniyak naman ni Sen. Angara, chairs ng Senate Committee on Finance, na patuloy niyang susuportahan ang budget ng MMDA.
“Every year, hindi kayo mababawasan at madadagdagan pa ang inyong budget. Asahan po ninyo ang tulong natin bilang Chairman ng Senate Committee on Finance dahil kinikilala po natin ang dagdag-ginhawa at benepisyo na ibinibigay ng inyong ahensiya sa Metro Manila,” pahayag ni Angara. (Bhelle Gamboa)