Namanang mga problema sa BuCor, reresolbahin ni Catapang

Namanang mga problema sa BuCor, reresolbahin ni Catapang

Nangako si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na aayusin nito ang mga problemang namana sa BuCor bago matapos ang termino nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla.

Inihayag ito ni Catapang pagkatapos ng pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights na nag-iimbestiga sa pagtakas ng person deprived of liberty (PDL) na si Michael Cataroja buhat sa New Bilibid Prison (NBP) Maximum Security Compound sa Muntinlupa City at naaresto kalaunan sa Angono, Rizal.

Sa kanyang ulat sa komite na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino, sinabi ni Catapang na tuluy-tuloy ang reporma sa BuCor upang tugunan ang 50 na taong napabayaan simula noong 1973 sa pamamagitan ng Restoration of Ethics Fair-mindedness, Oderliness, Righteousness and Morale na nakasentro sa Diyos at mapagmalasakit na mga serbisyo kabilang ang mga sumusunod:

* Pagpapabuti ng kapabilidad ukol sa doktrina, istruktura ng organisasyon, pagsasanay o training, lideratong pamamahala, tauhan at mga pasilidad.

* Aabot sa 1,000 na PDLs ang nailipat sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan at Sablayan Prison and Penal Farm sa Mindoro upang paluwagin ang siksikan sa kulungan sa NBP at 4,150 PDLs pa ang nakatakdang ilipat sa Davao Prison and Penal Farm kapag nakumpleto ngayong taon ang itinatayong bagong mga pasilidad doon.

* Nasa kabuuang 5,602 PDLs ang lumaya sa bilangguan magmula Nobyembre 2022 hanggang Agosto 2023 na bahagi ng kanyang “Bills Laya Program”

* Bilang parte ng “Operation Oplan Baklas,” sinira ang nasa 2,812 na Kubols na nagsilbing indibiduwak na sangtuwaryo ng PDL na nagresulta ng pagkakadiskubre ng mga kontrabando at madaling mamonitor ang mga aktibidad at kalagayan ng PDLs.

* Promulgated General Order No. 44 na may titulong “Comprehensive Administrative Machinery of the BuCor” na siyang mamahala sa dispensasyon ng mga kasong administratibo.

* Pagsisimula ng Policy on Cashless Prisons System sa pamamagitan ng pagdedeklara sa cash money bilang kontrabando sa loob ng bisinidad ng piitan upang pinal na maresolba at mapuksa ang mga malalang problema sa korapsyon, pagbabawal sa transaksiyon sa ilegal na droga at iba pang uri ng ilegal na aktibidad na may paggamit ng cash o pera.

* Pagkakumpiska ng 3,292 na uri ng mga kontrabando kasama ang walong baril at bala,isang granada na naiturn over sa Firearm Ordinance Section, 804 na improvised deadly weapons, 252 cellphones na nasa pangangalaga ng NICA digital forensic examination, 180 electronic devices, 9 na pakete ng shabu na dinala sa PDEA at P149,743 cash na dineposito sa Camp Evidence Custodian

* Nagpatupad ng mahigpit na inspeksiyon sa mga sasakyan kabilang ang garbage trucks, fire trucks at mga ambulansiya na pumapasok sa prison compounds.

* Pinaigting na hakbang pangseguridad sa lahat ng pasilidad ng BuCor lalo na ang pagbabantay ng mga sistema gaya ng guard mounting at posting.

* pag-implementa sa mga quick-wins initiatives upang tugunan ang moral ar kapakanan ng PDLs matapos ang insidente ng pagpaslang sa beteranong brodkaster na si Percy Lapid at

* Paglikha ng BuCor Development and Modernization Plan 2023-2028 na katinig ng Philippine Development Plan 2023-2028 at long term road map 2023-2040. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *