Libreng testing services handog ng Taguig Mobile Diagnostic van

Libreng testing services handog ng Taguig Mobile Diagnostic van

Inilunsad ang Taguig City Mobile Diagnostics Van sa Lakeshore, Barangay Lower Bicutan, na mahalagang karagdagan sa Taguig Love Caravan initiative na magkaloob ng libreng diagnostic testing sa mga barangay para sa lahat ng Taguigeños.

Layunin ng diagnostics van na siguruhin sa mga residente na hindi makapunta sa malapit na health centers o ospitals para makakuha ng diagnostics testing sa mga sumusunod na karagdagang serbisyo nang walang bayad o libre sa pagbisita ng Taguig Love Caravan sa kanilang barangay:

– Chest X-ray
– Laboratory tests (complete blood count with platelet count, random blood sugar, blood typing, urinalysis)
– ECG
– Ultrasound

“Kabahagi ng ating TLC agenda Transformative, Lively, and Caring City. Sa ilalim ng Caring City, malasakit, pagkalinga, pamahalaang siyang lumalapit sa ating mga kababayan at naghahatid ng serbisyong abot-kamay po ninyo,” sabi ni Mayor Lani sa pagtugon sa mahigit 500 na residente ng Barangay Lower Bicutan na nakakuha ng libreng serbisyong pangkalusugan.

Ang Taguig Love Caravan ay nilikhang health program ng Taguig na mag-iikot sa iba’t ibang barangay tatlong beses kada linggo upang magbigay ng sumusunod na libreng mga serbisyo sa mga residente:

– Free checkup
– Free medicines
– Free laboratory and diagnostic services
– Free dental services
– Free food preparation/nutrition demo

Para sa iskedyul ng Taguig Love Caravan bisitahin ang link na https://bit.ly/TaguigLoveCaravanScheduleSeptember . (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *