Park Seo Jun darating sa bansa sa susunod na buwan
Park Seo Jun darating sa bansa sa susunod na buwan
Darating sa bansa ang Korean actor na si Park Seo Jun para sa isang ‘fun meet’.
Ayon sa Wilbros Live, gagawin ang ‘fun meet’ sa Araneta Coliseum sa Oct. 14.
Sa Sept. 17 pa magiging available ang tickets para sa show sa ticketNet.com.ph at sa TicketNet outlets.
Ilan lamang sa sikat na K-drama na pinagbidahan ni Park Seo Jun ay ang ‘𝘐𝘵𝘢𝘦𝘸𝘰𝘯 𝘊𝘭𝘢𝘴𝘴’, ‘𝘞𝘩𝘢𝘵’𝘴 𝘞𝘳𝘰𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘚𝘦𝘤𝘳𝘦𝘵𝘢𝘳𝘺 𝘒𝘪𝘮’, at ang bagong ‘𝘋𝘳𝘦𝘢𝘮’ 𝘢𝘯𝘥 ‘𝘊𝘰𝘯𝘤𝘳𝘦𝘵𝘦 𝘜𝘵𝘰𝘱𝘪𝘢. (DDC)