Australian government pinasalamatan ni Pangulong Marcos sa suporta sa usapin sa West PH Sea

Australian government pinasalamatan ni Pangulong Marcos sa suporta sa usapin sa West PH Sea

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang gobyerno ng Australia sa pagsuporta nito sa Pilipinas sa usapin sa West Philippine Sea (WPS).

Personal na ipinaabot ng pangulo ang pasasalamat kay Australian Prime Minister Anthony Albanese sa pagbisita ng nasabing opisyal sa Pilipinas.

Nagkaroon din ng bilateral meeting sa Malakanyang ang dalawang opisyal.

Bago ito ay nagkausap na sina Marcos at Albanese sa 3rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – Australia sa katatapos lamang na 43rd ASEAN Summit and Related Summits sa Jakarta, Indonesia.

Sa kaniyang panig, sinabi ni Albanese na nagkakaisa ang Australia at Pilipinas sa naisin na i-uphold ang international law.

Tiniyak din ni Albanese na mananatili ang posisyon ng Australia sa usapin sa West Philippine Sea. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *