IATF pinulong ng DOTr kasunod ng natanggap na bomb threat sa MRT-3

IATF pinulong ng DOTr kasunod ng natanggap na bomb threat sa MRT-3

Agad nagpatawag ng pulong ang Inter-Agency Task Force kasunod ng bomb threat na natanggap sa MRT-3 araw ng Biyernes (Sept. 8).

Ang bomb threat ay ipinadala sa pamamagitan ng e-mail, Biyernes ng umaga.

Dahil dito agad iniutos ni Transportation Secretary Jaime J. Bautista ang pag-activate sa Inter-Agency Task Force na binubuo ng Office for Transportation Security (OTS), Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Philippine National Police (PNP), at Railway Security.

Inatasan ang task force na paigtingin ang seguridad hindi lamang sa MRT-3 kundi sa lahat ng transportation sector.

Kaugnay nito ay umapela ang pamunuan ng MRT-3 sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon para maiwasan na magdulot ng panic sa publiko.

Tiniyak ng task force na gagawin nito ang lahat ng hakbang para masiguro ang ligtas na pagbiyahe sa mga public transport systems.

Siniguro din ng task force na tuluy-tuloy ang ginagawang assessment sa ipinadalang bomb threat. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *