MMDA gagawa ng hakbang para lumuwag ang daloy ng traffic sa Katipunan Ave.

MMDA gagawa ng hakbang para lumuwag ang daloy ng traffic sa Katipunan Ave.

Magpapatupad ng adjustment ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bahagi ng Katipunan Avenue sa Quezon City para matugunan ang pagbagal ng daloy ng trapiko sa lugar matapos ang pormal na pagbubukas ng klase.

Sa isinagawang inspeksyon ni MMDA General Manager Procopio Lipana sa lugar Huwebes (Sept. 7) ng umaga, nang ahensya ang paglala ng traffic situation sa lugar lalo na kapag rush hours.

Ayon kay Lipana, pinag-aaralan ng MMDA ang pagpapatupad ng adjustment sa entrance gate ng Ateneo de Manila para sa mga sasakyan na walang stickers.

Pinag-aaralan din ng MMDA kung maaaring magamit ang service road malapit sa Ateneo Gate 2 galing ng Marikina. Sa ngayon kasi ay ginagamit lamang ito para sa pedestrians.

Ayon kay Lipana, napansin nila na ang mga sasakyan galing sa northbound direction at kumakaliwa sa para pumasok sa Ateneo ay umookupa na sa tatlong linya at nakaaapekto na sa sa mga pa-southbound.

Dahil dito, maglalagay ng traffic cones sa lugar para malimitahan sa dalawang linya lamang ang kanilang maookupa kapag rush hours.

Sa datos ng MMDA Traffic Engineering Center nakapagtala ng 2,757 na daily average ng mga sasakyan na dumadaan sa northbound ng Katipunan patungong Commonwealth kapag 7:00am hanggang 8:00am, habang 6,636 vehicles naman patungong Aurora Boulevard.

Sa afternoon peak hours o kapag 5pm to 6pm, 4,854 na sasakyan ang naitatala sa northbound habang 5,697 sa southbound.

Noong nakaraang linggo ay nagsagawa ang MMDA ng consultative meeting sa mga opisyal ng Ateneo de Manila University, Miriam College, at University of the Philippines Diliman para matugunan ang problema sa trapiko. (DDC, Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *