Emergency drill hinggil sa ‘bomb explosion’ matagumpay na naisagawa sa Tayabas City, Quezon
Matagumpay na naidaos sa Lungsod ng Tayabas, Quezon ang emergency drill hinggil sa Bomb Explosion at Bomb Threat na ginanap sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Tayabas Substation.
Pinangunahan ng mga tauhan ng NGCP ang nasabing pagsasanay na nagbigay ng bagong kaalaman para maging alerto sa mga dapat gawin kung meron mang mga insidente na ganitong pangyayari o pagbabanta.
Nakiisa din sa nasabing pagsasanay ang mga kawani ng Explosive Ordinance Disposal (EOD) Unit ng Candelaria PNP, tauhan ng Tayabas City Police Station, OCM-Traffic Operations Section, BFP Tayabas, at mga kawani ng iba’t ibang rescue teams.
Kasabay nito, Pinaalalahanan ang publiko na maging handa anumang oras o sakuna na maaaring dumating sa nasabing lungsod. (JR Narit)