Food Stamp Allowance na ipinakakalat sa Social Media, peke ayon sa DSWD

Food Stamp Allowance na ipinakakalat sa Social Media, peke ayon sa DSWD

Pinag-iingat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko kaugnay sa kumakalat na post sa social media hinggil sa pamamahagi umano ng Food Stamp Allowance.

Ayon sa DSWD, sa nasabing post na ipinakakalat sa social media nakasaad na makatatanggap ng food stamp allowance na nagkakahalagang P5000 pesos mula sa DSWD ang mga hindi miyembro ng 4Ps at UCT.

Pero ayon sa DSWD, wala itong katotohanan.

Ipinaliwanag ng ahensya na ang Food Stamp Program ng DSWD ay hindi nagbibigay ng pera o ayuda subalit ang mga benepisyaryo nito ay nakatatanggap ng P3,000 na halaga ng food credits sa kanilang mga Electronic Benefit Transfer Card.

Ang nasabing food credits ay maaaring gamitin para ipambili ng masustansya, mura at masarap na pagkain sa mga DSWD-accredited local retailers.

Paalala ng DSWD sa publiko, suriing mabuti at i-verify muna ang mga nababasa sa social media at huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi nanggaling sa credible at reliable source. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *