BAN Toxics sinimulan na ang monitoring sa mga ibinebentang laruan ngayong “BER Months”; mga magulang hinikayat na tiyaking ligtas ang laruan ng kanilang mga anak

BAN Toxics sinimulan na ang monitoring sa mga ibinebentang laruan ngayong “BER Months”; mga magulang hinikayat na tiyaking ligtas ang laruan ng kanilang mga anak

Nagsimula ng magsagawa ng monitoring ang toxic watchdog group na BAN Toxics sa mga laruan na ibinebenta kasabay na din ng pagsapit ng “BER Months”.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, mahalaga na ang mga laruang ibinibigay sa mga bata ay ligtas sa nakalalasong kemikal.

Dapat ding siguruhin na hindi delikado ang mga bata sa posibilidad ng choking, laceration, strangulation, at eye injury.

Kaugnay nito ay pinayuhan ni Dizon ang mga magulang na maging maingat sa pagpili ng laruan naibibigay nila sa kanilang mga anak sa Holiday season.

Dapat ayon sa BAN Toxics na tiyakin na ang bibilhing laruan ay nakasusunod sa mga regulasyon ng Food and Drug Administration (FDA) gayundin sa RA 10620 o mas kilala bilang Toy and Game Safety Labeling Law.

Sa nasabing batas, nakasaad na dapat ang mga ibinebentang laruan ay mayroong safety labeling at manufacturer’s markings.

Narito naman ang mga guidelines na inilatag ng BAN Toxics para matulungan ang mga magulang sa pagpili ng tama at ligtas na laruan para sa kanilang mga anak.

1. Select toys that are suitable for your child’s age and abilities.
2. Opt for toys crafted from natural materials like cotton, wool, and uncoated wood.
3. Refrain from purchasing old wooden toys with chipped paint, as the paint may contain
lead.
4. Verify that fabric-based toys can be washed.
5. Choose toys labeled as phthalate-free, PVC-free, and BPA-free, avoiding plastic toys with recycling codes #3, #6, and #7.
6. When purchasing paints, crayons, markers, and art supplies, opt for those labeled as “non-toxic”.
7. If the item requires safety gear, such as a bike helmet, make sure to purchase it alongside the toy.

Dapat ding maging mapagbantay ang mga magulang sa pagiging delikado ng ilang mga laruan.

1. Be wary of sharp edges and points, especially in toys intended for older children.
2. Small toys and those with small components can pose a choking hazard to children aged 3 or younger.
3. Pay attention to toys that produce loud or shrill noises, as they may harm
your child’s hearing.
4. Toys with cords or strings longer than 7 inches can be dangerous for babies
and very young children, as they can become entangled around a child’s neck.
5. Exercise caution with toys that can fly or shoot objects, as they can cause severe eye injuries.
6. When dealing with electric toys, purchase only those labeled as “UL Approved” (Underwriters Laboratories). 7. Exercise caution with toys containing magnets. If magnets detach and a child
swallows two or more of them, they can attract to each other inside the child’s body, potentially causing harm or even death.

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *