PBBM, US VP Kamala Harris nagpulong sa sidelines ng ASEAN-US Summit sa Indonesia
Nagkaroon ng tsansang makapulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si US Vice President Kamala Harris sa sidelines ng ASEAN-US Summit sa Jakarta, Indonesia.
Sa kanilang pulong nagkasundo ang dalawang lider na makipagtulungan sa ASEAN members para maisulong pa ang regional peace at progress.
Pinag-usapan ng dalawa ang maritime security environment sa South China Sea.
Kasama ding natalakay ang pagtukoy sa apat na karagdagang lugar sa Pilipinas na maaaring magamit para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Sina Marcos at Harris ay kapwa dumalo sa ASEAN-US Summit sa Jakarta Convention Center noong Miyerkules.
Kasama sa pulong sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos. (DDC)