Social media accounts ng mga kandidato sa Barangay at SK elections, babantayan ng Comelec

Social media accounts ng mga kandidato sa Barangay at SK elections, babantayan ng Comelec

Kabilang sa babantayan ng Commission on Elections (COMELEC) ang social media accounts ng mga kumakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, paraan ito ng poll body upang makita nila ang posibleng election law violations gaya na lang ng premature campaigning.

Paalala ni Garcia sa mga naghain ng certificate of candidacy, bawal na ang pag-post, bawal ang pag-iikot, at bawal ang pamimigay ng kung anu-ano.

Base sa COMELEC Resolution No. 10905, ang mga kandidato ay hindi pinapahintulutang mangampanya hanggat hindi pa nagsisimula ang itinakdang campaign period.

Sa inilabas na Calendar of activities ng COMELEC, magsisumula lamang ang campaign period sa darating na Oktubre 19 hanggang 28.

Kaugnay rito, nagbabala ang komisyon na maaaring makulong ng isa hanggang anim na taon ang mga mahuhuli at mapatutunayang lalabag sa section 80 ng Omnibus Election Code. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *