Hans Leo Cacdac, itinalaga bilang OIC secretary sa DMW
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hans Leo Cacdac bilang officer-in-charge sa Department of Migrant Works (DMW).
Magsisilbing OIC secretary si Cacdac sa DMW, matapos ang pagpanaw ni DMW Sec. Susan Ople kamakailan.
Bago ang appointment si Cacdac ay Undersecretary for Welfare and Foreign Employment ng DMW.
Nagsimula ang career ni Cacdac noong 2001 bilang direktor ng Bureau of Labor Relations sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Naitalaga din siya sa National Conciliation and Mediation Board.
Si Cacdac ay nagsilbi din bilang administrator ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Samantala, kasabay ding inanunsyo ng Malakanyang ang appointment kay Jennifer Pia Las, bilang chairperson ng National Commission on INdigenous Peoples.
Gayundin kay Jose Lim IV, bilang assistant secretary ng Department of Transportation (DOTr). (DDC)