QC LGU tutulungan ang mga rice retailer na apektado ng pag-iral ng price ceiling

QC LGU tutulungan ang mga rice retailer na apektado ng pag-iral ng price ceiling

Tutulungan ng Quezon City Government ang maliliit na rice retailers na apektado ng Executive Order No. 39 na nagtatakda ng price ceiling sa bigas.

Ayon kay City mayor Joy Belmonte ang mga kwalipikadong retailers ay maaaring mag-avail ng assistance program ng City government para sa mga maliliit na business owners.

Ito ay makaraang makarating kay Belmonte ang ulat na mayroong ibang market stalls at tindahan na pansamantalang nagsara dahil hindi kinaya ang price cap sa bigas.

Kabilang sa tulong ayon kay Belmonte ay ang posibilidad na i-waive na ang kanilang rental fees o kaya naman ay bigyan sila ng diskwento.

Sa halip din na parusahan ang mga rice retailers na mahuhuling hindi sumusunod sa price cap, sinabi ni Belmonte na kakausapin sila ng LGU para mahanapan ng solusyon ang kanilang suliranin.

Inatasan naman ni Belmonte ang QC Price Coordinating Council na regular na magsagawa ng dayalogo at koordinasyon sa mga apektadong establisyimento. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *