Sumunod kahit lugi; retailers ng bigas sa Muntinlupa umaaray sa pinairal na price ceiling

Sumunod kahit lugi; retailers ng bigas sa Muntinlupa umaaray sa pinairal na price ceiling

Dahil epektibo na ang Executive Order No. 39 na inilabas ng Malakanyang obligado ang mga rice retailers na ibaba ang presyo ng kanilang bigas.

Sa ilalim kasi ng nasabing EO, nagtakda ng price ceiling sa bigas, kung saan dapat ay P41 kada kilo ang presyo ng regular milled rice, habang P45 naman ang kada kilo ng well-milled rice.

Sa Muntinlupa Public Market, nagsagawa ng inspeksyon si Mayor Ruffy Biazon upang alamin kung sumusunod ba ang mga retailers ng bigas sa pagpapatupad ng price cap.

Ibinahagi ni Biazon ang larawan, kung saan makikita na bagaman ibinaba sa P45 ang presyo ng bigas sa isang tindahan, nakasaad naman na ang salitang “Lugi po kami dito”.

Ayon kasi sa nagtitinda, P48 per kilo ang puhunan nila sa nasabing bigas.

Sinabi naman ni Biazon na piang-aaralan na ng Muntinlupa LGU ang posibilidad na mabigyan ng tulong ang mga apektadong rice retailers. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *