PCG rescuer binawian ng buhay sa kasagsagan ng rescue operation sa La Union

PCG rescuer binawian ng buhay sa kasagsagan ng rescue operation sa La Union

Isang Philippine Coast Guard (PCG) rescuer ang binawian ng buhay matapos tangayin ng rumaragasang ilog sa kasagsagan ng search and rescue (SAR) operation sa Sitio Daeng, Barangay Halog East, Tubao, La Union.

Isa si CG Petty Officer Third Class (PO3) Ponciano dela Cruz Nisperos sa mga miyembro ng Special Operations Group-North Western Luzon (SOG-NWLZN) na rumesponde sa “drowning incident” sa Sitio Daeng dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Pagdating sa lugar ng insidente, dahan-dahang tumawid si Nisperos para i-secure ang “safety line” sa kabilang bahagi, ngunit nawalan siya ng balanse at tuluyang tinangay ng rumaragasang ilog.

Sinubukan siyang iligtas, ngunit wala na siyang malay nang ma-recover ng PCG SAR team.

Agad siyang dinala sa La Union Medical Center upang makatanggap ng tulong medikal, subalit idineklara siyang “dead on arrival.”

Agad itong ipinagbigay-alam ng PCG sa kanyang mga mahal sa buhay at patuloy ang koordinasyon upang maibigay ang kinakailangang tulong para sa kanila.

Nakikiramay ang PCG sa naulilang pamilya ni Nisperos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *