DSWD magbibigay ng cash grant sa mga small rice retailers na maaapektuhan ng price ceiling sa bigas

DSWD magbibigay ng cash grant sa mga small rice retailers na maaapektuhan ng price ceiling sa bigas

Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbigay ng tulong-pinansiyal sa mga kwalipikadong small rice retailers na maaaring maapektuhan ng Executive Order (EO) No. 39, o ang Mandated Price Ceiling, na naging epektibo araw ng Martes (Sept. 5).

Ayon kay DSWD Sec. REX Gatchalian ang livelihood assistance grant sa ilalim ng DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD ay para maalalayan ang mga may-ari ng maliliit na negosyo, partikular sa mga emergency situation.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng computation ang DTI Philippines (DTI) at Department of Agriculture – Philippines (DA) para matukoy kung magkano ang dapat matanggap ng mga apektadong rice retailers.

Inaasahan na sa susunod na linggo ay makapag-bigay na ng payout sa ilalim ng SLP sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Mayroong P5.5 billion na budget ang DSWD sa kanilang Sustainable Livelihood Program. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *