Pilipinas magsisilbing host ng ASEAN Summit sa 2026
Nakahanda na ang Pilipinas na magsilbing host sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa taong 2026.
Sa kaniyang pagdalo sa ASEAN Summit Plenary ng 43rd ASEAN Summit and Related Summits, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang Pilipinas ang magsisilbing host ng ASEAN 2026.
Sinabi ng pangulo na inaasahan ng bansa ang suporta ng mga kapwa member states kasabay ng pagtitiyak ng patuloy na pakikipagtulungan upang mapatatag pa ang ACEAN Centrality.
Sa kaniyang intervention ay binigyang-diin ng pangulo ang kahalagahan na gawing empower ang marginalized at vulnerable sectors.
Pinasalamatan naman ng pangulo ang Indonesia sa pamamagitan ni Pres. Joko Widodo sa mainit na pagtanggap bilang kasalakuyang Chair ng ASEAN ngayong taon. (DDC)