Bagyong Ineng nakalabas na ng bansa
Nasa labas na ng bansa ang tropical depression Ineng na may international name na Yun-Yeung.
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,240 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Ayon sa PAGASA wala ng direktang epekto sa bansa ang bagyong Ineng.
Ang bagyong Haikyu naman na dating bagyong Hanna ay patuloy na nakapagpapalakas ng Habagat na mapaghahatid pa din ng pag-ulan sa maraming lugar sa Luzon. (DDC)