Mahigit P1M halaga ng ‘shabu’ nakumpiska sa Pagbilao, Quezon
Nasamsam sa buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng PDEU-QPPO, PIU-QPPO, PDEA 4A Quezon at Pagbilao MPS Intel/SDEU ang humigit kumulang 51 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 1,040,400. 00 sa Sitio Lawis Brgy Talipan, Pagbilao, Quezon.
Arestado naman ang isang drug suspek na kinilalang si Ronie Rocela Senor alyas “Sabog”, tatlumput-limang taong gulang residente ng Sitio kalawit Ibayo Brgy. Pinagbayanan Pagbilao, Quezon at tinuturing na High Value Individual.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang one-thousand-peso bill na ginamit bilang marked money kasama ang labintatlong libong piso na ginamit bilang boodle money, sampung piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet, isang sling bag at isang unit ng motorsiklo.
“Ang matagumpay na Anti-Illegal Drug Operation ay resulta ng mahusay at mas pinaigting na kampanya ng Quezon Pulis laban sa ilegal na droga at sa lahat ng uri ng kriminalidad upang mapanatili ang maayos at maunlad na probinsya ng Quezon,” ani PCOL Monte.
Nahaharap ngayon ang sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JR Narit)