Pamamahagi ng “fuel subsidy” para sa mga operator at tsuper sisimulan na muli ng LTFRB

Pamamahagi ng “fuel subsidy” para sa mga operator at tsuper sisimulan na muli ng LTFRB

Muling ipagpapatuloy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng “Pantawid Pasada” o fuel subsidy sa mga operator at tsuper ng mga pampublikong sasakyan.

Kasunod ito ng pinirmahang Joint Memorandum Circular ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang LTFRB upang ipatupad ang Pantawid Pasada Program (PPP) o Fuel Subsidy Program (FSP) na layong bigyan ng tulong-pinansyal ang mga operator at tsuper sa gitna ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Kabilang sa mga makatatanggap ng subsidiya ang mga kwalipikadong operator ng ilang pampublikong sasakyan tulad ng Public Utility Jeepneys (tradisyunal man o modern), Public Utility Bus, Taxi, UV Express, Delivery Service, at Tricycles.

Ang naturang subsidiya ay ipamimigay sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng digital banking tulad ng e-wallet, bank accounts, o Fuel Subsidy Card na maaaring gamitin sa ilang piling gasolinahan. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *