Price ceiling sa bigas sinimulan ng ipatupad; ilang pamilihan sa NCR ininspeksyon ng mga otoridad
Sa pagsisimula ng mandated price ceilings (MPC) sa bigas araw ng Martes, Setyembre 5, inikutan ng mga opisyal ng pamahalaan ang iba’t ibang pamilihan upang tingnan kung maayos na ipinapatupad ang ang presyo na P41 sa regular milled at P45 sa well-milled na bigas.
Personal na nag-ikot sina Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos, Department of Trade and Industry (DTI) Asec. Agaton Uvero, San Juan City Mayor Francis Zamora, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at ilang mga kawani ng DTI at Department of Agriculture (DA).
Kabilang sa pinuntahan ang Nepa QMart sa Quezon City at ang Agora Market sa San Juan City.
Nagsasagawa din ng monitoring ng MPC implementation ang Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) upang sigurihin na tumutupad ang mga rice retailers sa EO 39. (Bhelle Gamboa)