CIC maglalagay ng girder sa CAVITEX; counterflow schemes ipatutupad sa Parañaque Toll Plaza

CIC maglalagay ng girder sa CAVITEX; counterflow schemes ipatutupad sa Parañaque Toll Plaza

Nakatakdang simulan ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), concessionaire ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) ang paglalagay ng girder sa CAVITEX C5 Link Segment 2 R1 Interchange.

Isasagawa ito ng CIC magmula Setyembre 15 hanggang Setyembre 25, 2023, sa pagitan ng alas-10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw.

Ipatutupad naman ang counterflow schemes sa Parañaque Toll Plaza epektibo sa Setyembre 15-19 para sa Manila-bound traffic at mula Setyembre 19-25 naman sa Cavite-bound traffic.

Upang mapagaan ang trapik sa panahon ng aktibidad, magbubukas ang CIC ng counterflow lanes kung kailangan.

“CAVITEX C5 Link Segment 2 once completed by the first quarter of 2024 will help cut travel time to Sucat Road from CAVITEX (Coastal Road) and vice versa by 10 minutes, making daily commutes more efficient and seamless for our motorists,” pahayag ni CIC President at General Manager Raul L. Ignacio.

Ang R-1 Interchange ay mahalagang 1.9-kilometer segment (Segment 2) ng CAVITEX C5 Link project, isang 7.7 na kilometro, 2×3 lane expressway na nakatakdang kokonekta sa CAVITEX R1 hanggang C5 Road sa Taguig.

Kapag nakumpleto ang CAVITEX C5 Link,maseserbisyuhan nito ang mahigit 50,000 na sasakyan kada araw, mahalagang pag-igsi ng oras ng biyahe patungo at magmula sa Makati at Taguig, buhat sa Parañaque City, Las Piñas City, at probinsiya ng Cavite na siguradong magpapagaan sa matinding trapik sa Metro Manila. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *