BASAHIN: Tips upang maiwasan ang road rage
Bunsod ng mga magkasunod na insidente ng road rage na nag-viral sa social media, nagpalabas ng tips ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motorista upang maiwasan ang ganitong insidente.
Paalala ng LTO mga motorista, maging kalmado sa kalsada.
Ayon sa LTO, minsan ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng matinding emosyon dahil sa iba’t ibang sitwasyon gaya ng biglaang trapik, pasaway na mga driver, at marami pang iba na maaaring magpa-init sa ulo ng mga motorista.
Upang maiwasan na mauwi ito sa insidente ng road rage, sinabi ng LTO na mahalagang sundin ang mga sumusunod na payo:
– Magdrive ng kalmado at mahinahon
– Sumunod sa batas trapiko
– Ihanda ang sarili sa mga sitwasyong magdudulot ng stress sa kalsada
– Magbigay-galang sa ibang motorista
– Magpakumbaba at humingi ng paumanhin kung nagkamali
– Isipin ang kaligtasan at kapakanan ng lahat
Kung saksi naman o naging biktima ng road rage, maaari itong agad na ipagbigay-alam sa LTO Hotline na 1-342-586 para sa agarang aksyon. (DDC)