P200K na halaga ng undocumented coconut lumber nakumpiska sa Zamboanga City
Umasiste ang Philippine Coast Guard (PCG) sa ikinasang operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mahigit 26,000 board feet ng undocumented coconut lumber products sa Zamboanga City.
Ang nasabing mga coco lumber na tinatayang aabot sa P200,000 ang halaga ay lulan ng ng RoRo Vessel na nasa Port of Zamboanga.
Sa isinagawang vessel inspection, walang naipakitang dokumento para sa nasabing mga kahoy.
Kinumpiska naman ng Philippine Coconut Authority (PCA) ng Department of Agriculture-Region IX ang mga coco lumber. (DDC)