Christmas Lights at Decors na walang Philippine Standard mark at ICC sticker ibinebenta sa merkado

Christmas Lights at Decors na walang Philippine Standard mark at ICC sticker ibinebenta sa merkado

Nagbabala ang grupong BAN Toxics sa publiko sa pagbili ng Christmas lights at Christmas decors na hindi pasado sa quality and safety standard regulation.

Sa isinagawang monitoring ng BT Patrollers ng naturang grupo sa Pasay City, marami na ang nagbebenta ng Christmas lights at decorations.

Kabilang sa mga ibinebenta ay ang mga pang-dekorasyon na walang tamang labeling habang ang mga ibinebentang Christmas lights ay walang Philippine Standard (PS) mark at Import Commodity Clearance (ICC) sticker.

Ayon kay Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics, ang mga produktong ibinebenta sa merkado na walang tamang label at hindi rehistrado ay maaaring
nagtataglay ng nakalalasong kemikal at maaaring delikado sa kalusugan.

Kaugnay nito ay nanawagan si Dizon sa regulatory agencies na magsagawa ng early post marketing surveillance sa mga pamilihan at kumpiskahin ang mga produktong hindi nakasusunod sa regulasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *