5.3 percent inflation rate naitala noong Agosto; mas mataas kumpara noong Hulyo

5.3 percent inflation rate naitala noong Agosto; mas mataas kumpara noong Hulyo

Natapos na ang anim na sunod na buwan na pagbaba ng inflation rate sa bansa.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang 5.3 percent inflation rate noong Agosto na mas mataas kumpara sa 4.7 percent noong Hulyo.

Nangangahulugan ito ng mas mabilis na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo noong Agosto.

Ayon kay National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation noong nakaraang buwan ay ang mabilis na pagtaas ng presyo ng Food at Non-Alcoholic Beverages.

Partikular na tumaas ayon sa PSA ang presyo ng cereal at cereal products, gulay, tubers at iba pa, isda at iba pang seafood.

Tumaas din ang presyo ng gasolina at diesel. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *