Tatlong parke sa lungsod ng San Juan idineklarang smoke-free

Tatlong parke sa lungsod ng San Juan idineklarang smoke-free

Idineklara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tatlong parke sa San Juan City bilang smoke-free.

Ito ay kinabibilangan ng Pinaglabanan Shrine, San Juan City Mini Park, at ang El Polvorin Linear Park.

Ito ay salig sa probisyon ng Republic Act No. 9211 o Tobacco Regulation Act of 2003, Executive Order No. 26, Series of 2017 o Providing for the Establishment of Smoke-Free Environments in Public and Enclosed Spaces, at City Ordinance No. 5, Series of 2017 o Comprehensive Smoke Free Ordinance ng San Juan.

Kaugnay nito inatasan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang City Environment and Natural Resources Office na maging mahigpit sa pagbabantay at paghuli sa mga maninigarilyo sa public areas, partikular sa mga parke at paaralan.

Sa nasabing aktibidad ay nilagdaan din ang commitment board na simbolo ng layuning gawing smoke-free ang lahat ng parke at public spaces sa lungsod. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *