It’s Showtime pinatawan ng suspensyon ng MTRCB

It’s Showtime pinatawan ng suspensyon ng MTRCB

Pinatawan ng 12 airing days suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang noontime show na “It’s Showtime”.

Ayon sa MTRCB, ang pasya ay kasunod ng mga reklamong natanggap ng ahensya mula sa viewers hinggil sa July 25, 2023 episode kung saan nakitaan umano ng indecent manner ang hosts ng programa sa segment nitong “Isip Bata.”

Ang nasabing mga reklamo ay sumailalim sa pagdinig ng Hearing and Adjudication Committee ng MTRCB.

Nilinaw naman ng MTRCB na maaari pang maghain ng Motion for Reconsideration (MR) ang programa sa loob ng 15-araw.

Hindi ito ang unang pagkakataon na napatawan ng suspensyon ang It’s Showtime.

Noong 2010, pinatawan din ng 20-day suspension ng MTRCB ang programa.

Ngayong taon, sinabi ng MTRCB na maraming reklamo din ang kanilang natanggap laban sa show at dalawang warnings pa ang kanilang naibigay sa programa.

Kabilang dito ang Jan. 24, 2023 episode kung saan binanggit ng hosts na sina Jhong Hilario at Vice Ganda ang salitang “G Spot”.

Ang ang episode noong June 3, 2023 kung saan binanggit naman ng host na si Vhong Navarro ang salitang “Tinggil”.

Naisyuuhan din ng warning ng MTRCB ang noontime show para sa June 9, 2023 episode nito kung saan nabanggit naman ang salitang “Pek Pek Shorts”.

May mga reklamo din laban sa It’s Showtime na pero ibinasura ng MTRCB ang kaso dahil sa kawalan ng merito.

Kabilang dito ang mga reklamo sa “Rampanalo” segment ng programa, “macho” dancing sa isa nilang segment, wardrobe malfunctions ng isa nilang performer at reklamo hinggil sa hindi umano tamang pagsusuot ng Barong Tagalog ng isa nitong host. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *