Tugboat nagkaproblema sa karagatan ng Naga City, Cebu; nagdulot ng oil spill

Tugboat nagkaproblema sa karagatan ng Naga City, Cebu; nagdulot ng oil spill

Nagkapagtala ng oil spill ang Philippine Coast Guard (PCG) sa katubigan ng Naga City Cebu, makaraang magkaproblema ang isang tugboat.

Nag-deploy ang PCG ng tatlong segment ng oil spill boom, absorbent pads, apat na segments ng absorbent boom para ma-control ang oil spill na naidulot ng MTUG Sugbo 2.

Sa inisyal na imbestigasyon humingi ng saklolo sa PCG ang crew ng tugboat matapos magkaroon ng hull damage sa steering portion ng engine room nito.

Nakita na lamang na pinasok na ng tubig ang steering room sa starboard quarter hanggang sa nawalan na ito ng power.

Nagdeklara ng abandon ship ang master ng barko kaya ligtas naman ang mga crew nito. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *