Bagyong Hanna nakalabas na ng bansa

Bagyong Hanna nakalabas na ng bansa

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Hanna base sa update mula sa PAGASA na inilabas alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes (Sept. 4).

Ayon sa PAGASA, maglalabas ito ng pinal na weather bulletin para sa nasabing bagyo.

Una ng sinabi ng weather bureau na ang bagyo ay nag-landfall na sa bahagi ng Kaohsiung City sa Taiwan.

Patuloy namang makararanas ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa Habagat na pinalalakas ng bagyo.

Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, maulang panahon pa rin ang mararanasan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, southern portion of Aurora, Zambales, Bataan, Bulacan, Metro Manila, Occidental Mindoro, Romblon, Marinduque, northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian, Kalayaan, at Cuyo Islands, malaking bahagi ng CALABARZON, Bicol Region, at Western Visayas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *