4 na palengke sa Bacoor, Cavite isinailalim sa lockdown; mahigit 40 nagpositibo sa COVID-19
Nagpatupad ng temporary Lockdown sa apat na palengke sa Bacoor City.
Ito ay makaraang mahigit 40 ang magpositibo sa COVID-19 sa isinagawang mass swab testing mga palengke sa Brgy. Bayanan.
Narito ang bilang ng positive cases sa mga palengke:
678 Market: 23 cases
Molino Wet and Dry Market: 10 cases
Molino 1 Market: 5 cases
Bayanan Market: 4 cases
Dahil dito, nagpasya ang Task Force Covid-19 ng
lungsod na pansamantalang isara ang mga nabanggit na palengke.
Ang 678 Market ay boluntaryo nang nagsara alinsunod sa kapasyahan ng kanilang Market Administration simula September 11 hanggang 25.
Ang Molino Wet and Dry Market ay sarado na din mula ngayong araw September 12 hanggang September 26.
Ang Bayanan Market at Molino 1 Market o RASC Market ay sarado din mula September 12 hanggang 19. (END)